MANILA, Philippines -Nasangkot umano ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa 374 bayolenteng aktibidades o isang sibilyan kada linggo ang walang awang pinapaslang na umabot sa 53 biktima sa bansa noong 2012.
Ayon kay AFP Public Affairs Office,Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., maliban sa mga inosenteng sibilyan na pinatay ay 81 ding sundalo ang nasawi sa kamay ng NPA rebels, 8 sa PNP at 22 naman mula sa mga miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA).
“ The AFP strongly condemned this recent attack and vowed to continue it’s focused security operations aimed at targeting those who continue to pursue armed violence that has caused suffering to the people and loss of innocent livesâ€, ayon sa opisyal.
Samantala sa panahong umiiral ang 18 araw na tigil putukan mula Disyembre 16, 2012 hanggang Enero 15 ng taong ito ay nasangkot ang NPA sa sampung insidente ng paglabag sa ceasefire.
Kabilang dito ay ang ambush–massacre na kinasangkutan ng mga rebeldeng NPA sa La Castellana, Negros Occidental noong Enero 27, 2013 na ikinasawi ng isang pulis at ng walong sibilyan habang siyam pa ang nasugatan.
Una na ring nasangkot ang mga rebelde sa ambush–slay ng mga rebeldeng NPA sa tatlong sibilyan sa Ligao City, Albay noong Enero 2 ng taong ito.
Limang insidente rin ng harassment ang naitala ng AFP sa Agusan del Norte, Malaybalay City, North Cotabato, Tanay, Rizal, South Cotabato at Camarines Sur na ikinasawi ng isang sundalo at isang CAFGU habang dalawa pa sa tropang gobyerno ang nasugatan.
Sa loob lamang ng buwan ng Enero 2013, sinabi pa ng opisyal na sampung insidente ng bayolenteng aktibidades ang inilunsad ng mga rebeldeng komunista na ikinasawi ng tatlo mula sa AFP, PNP at CAFGU habang 27 pa ang nasugatan.