MANILA, Philippines - Hiniling ni Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na panatilihin sa puwesto si Bureau of Fire Protection District Director. Senior Supt. Bobby Baruelo.
Ayon kay Bautista na hindi pa nararapat sa kasalukuyan ang pagpapalit dahil malalagay lamang umano sa pagkabinbin ang tulong na ilalaan ng local government sa kagawaran.
Ang kahilingan ni Bautista ay matapos na makatanggap ng ulat ang kanyang tanggapan na papalitan si Baruelo ng mas batang opisyal at kinukunsidera na ipalit ay si Supt. Jesus Fernandez.
Si Fernandez ay mahabang naglingkod bilang commander ng Region II at hindi man lamang naitalaga sa Metro Manila.
Sa sulat ni Bautista kay Roxas na walang pangaÂngailangan ang kanyang pamahalaan para palitan si Baruelo dahil nasa estado sila ng preparasyon.
Idinagdagpa ng alkalde na anumang hakbang para ipatupad ang paglilipat, pagtatanggal, o paggalaw sa career service employees ng pamahalaan ay sasalungat sa statutory ban ng Commission on Elections.
Kung sakali na matapos na ang election ban at kailangan na palitan si Baruelo ay hihilingin ni Bautista kay Roxas na magbigay sa kanya ng shortlist ng kandidato para maikonsidera niya.