MANILA, Philippines - Ito ang suicide note na isinulat sa dingding ng banyo gamit ang lipstick ng biktimang si Romano Maglalang, 23, ng no. 2127 Ligaya St., Sta. Ana para sa kasintahan na nakilala sa pangalang Beng.
Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang madiskubre ng ina nitong si Christine ang bangkay ng anak na nakabigti sa loob ng kanilang banyo.
Lumalabas sa imbestigasyon, na gusto umanong makipagbalikan ng biktima sa kanyang nobyang si Beng pero tumangi na ito dahil nakakatunog na umano ang asawa nito sa kanilang relasyon.
“May asawa yong babae, nakikipag-break doon sa biktima dahil nakakahalata na raw ang kanyang asawa,†ayon sa pulisya.
Posible anyang mahal na mahal ng biktima ang nobya at hindi nito matanggap ang paghihiwalay nila kaya’t naisip na lamang nitong makipaghiwalay.