MANILA, Philippines - Kung nagpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) sa cyber crime law ay tuloy naman ang implementasyon ng kontrobersyal na Republic Act 10354 o ang The ResÂponsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.
Sa halip, pinag-isa ng Kataas-taasang Hukuman ang anim na petisyon na kumukuwestyon sa natuÂrang batas.
Kabilang dito sina James Imbong, etal.; Expedito Bugarin, Eduardo Olaguer and the Catholic Xybrspace Apostolate of the Philippines, Serve Life Cagayan De Oro City, et al., Task Force for Family and Life Visayas, Inc. at Valeriano Avila, and Alliance for the Family Foundation Philippines, Inc.
Naging batas noong Disyembre 29 ang RH bill law matapos ang 16 na taong pagkakabinbin sa Kongreso bunsod ng mahigpit na pagtutol ng Simbahang Katolika.