Kelot ‘nagparaos’ sa ika-5 palapag, nahulog
MANILA, Philippines - Basag ang bungo at bali ang mga buto ng isang 45-anÂyos na obrero matapos na ito ay mahulog mula sa ika-5 palapag ng ginagawang gusali habang umano’y ‘nagpaparaos’ kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Ang biktima ay kinilalang si William LacÂbayo, stay-in worker at residente ng Hillcrest Village, Camarin, Caloocan City.
Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang madiskubreng patay ang biktima ng mga kasamahang obrero sa sementadong kalsada sa itinatayong Seafgear Sea building sa kanto ng Kanluran at Honario Boulevard , Balut, Tondo, Maynila.
Lumalabas sa imbestigasyon na bago ang insidente ay nakikipag-inuman ang biktima sa mga kasamahan sa trabaho.
Pagkatapos umano ng inuman ay umakyat sa rooftop ang biktima at doon na rin nakatulog ng nasabing oras.
Nadaanan ang biktima ng mga kasamahan na nakahandusay, wala nang buhay at walang saplot na pang-ibaba.
Nakuha sa tabi ng tiÂnuÂlugan ng biktima ang kanyang kumot, short, brief at mga bold magazine.
Posible anya umanong nagpaparaos ang biktima at dala ng kalasingan ay nawalan ito ng balanse hanggang sa mahulog.
Inaalam din ng puÂlisya kung may nagaÂnap na foul play sa pagÂkaÂmatay ng biktima baÂgama’t may nakaharang na beam sa kanyang tinutulugan.
- Latest