^

Police Metro

2 lalaki sinalvage sa QC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na biktima ng salvage ang magkasunod na natagpuang nakasako kaha­pon ng umaga sa Brgy. Sauyo, Quezon City.

Walang nakuha na anumang pagkakakilan­lan sa dalawang biktima na ang isa ay nakasuot ng itim na short, katamtaman ang pangangatawan, may taas na 5’2” at suot na kuwintas. Ang ikalawa ay nakasuot ng maong na short, katamtaman din ang katawan at may taas na 5’4” at kapwa nasa pagitan ng edad 25-30.

Ang dalawang biktima na nababalutan ng packa­ging tape ang ulo at mga kamay at may bakas ng pananakal sa leeg  na magkasunod na natagpuan sa kahabaan ng Waling-waling St., at Naval St., ng nasabing barangay.

Ang unang biktima ay natagpuan dakong alas-5:00 ng umaga ng isang Ruben Osma na isang barangay tanod at ilang minuto ay natagpuan naman ng isang tricycle driver na si Benjamin Paragas sa hindi kalayuan ang ikala­wang biktima sa Naval St., malapit sa Camella Homes.

Ang dalawang lalaki ay pinatay umano sa ibang lugar at doon lang itinapon upang mailigaw ang gagawing pagsisiyasat.

vuukle comment

BENJAMIN PARAGAS

BRGY

CAMELLA HOMES

DALAWANG

NAVAL ST.

QUEZON CITY

RUBEN OSMA

SAUYO

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with