COA inumpisahan nang busisiin ang MOOE ng Senado
MANILA, Philippines - Matapos ang pagsabog ng kontrobersiya na maintenance and other operating expenses (MOOE) ng Senado ay siniÂmulan na ng Commission on Audit (COA) ang pagbusisi dito.
Sinabi ni COA Chairperson Ma. Gracia Pulido-Tan na ang hakbang ay isang regular audit lamang at hindi special audit na taunang ginagawa ng kanyang tanggapan.
Niliwanag ni Tan na ang 2012 ang ino-audit ng mga tauhan ngayon dahil kasasara pa lamang ng 2012 at ang mga transactions na napunta sa limelight ay puro anya naganap noong 2012 .
Aminado naman si Tan na matatagalan bago matapos ang ginagawang auditing dito dahil bubusisiin ng husto ang mga naisumiting dokumento ng Senado.
Itinanggi din ni Tan ang mga balita na gumagawa siya ng paraan upang umanoy malinis ang pangalan ni Senate President Juan Ponce-Enrile sa ginawang pamimigay ng natipid na pondo ng Senado para sa mga senador.
- Latest