MANILA, Philippines - Inaresto ng Pasay City Police ang dalawang Korean national na umano ay nambastos at nanakal sa isang traffic enforcer na pumara sa kanila dahil sa isang paglabag sa batas trapiko sa EDSA, Pasay City kahapon ng madaling-araw.
Ang mga suspek na nahaharap ngayon sa mga kasong “driving without license,disobedience to traffic sign, driving under the influence of liquor at assault upon an agent of person in authority†ay sina Kim Jai Hoon, 28 at Cha In Gem, 39, kapuwa turista at pansamantalang nanunuluyan sa Sector 10 Village, Esteban Luna St., Paranaque City.
Batay sa ulat,dakong alas-3:00 ng madaling araw nang parahin ng traffic enforcer ng Pasay City Traffic Management Unit na si Noel Abundo, 44, ang isang Starex van (BDD-460) na minamaneho ni Kim makaraang mag-U trun sa isang ipinagbabawal na bahagi ng EDSA.
Sinabi ni Abundo na habang ipinapaliwanag niya ang bayolasyon ng mga dayuhan, bumaba ng sasakyan ang kasamahan nitong si Cha at sinakal ang traffic enforcer sabay sinabihan ng katagang, “I know you are hungry chowÂkingâ€.
Nakahingi naman kaagad ng tulong sa kanyang mga kasamahang traffic enforcer si Abundo at kaagad nilang dinakip ang dalawang turista at dinala sa himpilan ng pulisÂya.