^

Police Metro

Traffic enforcer sinakal ng 2 Koreano

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng Pasay City Police ang dalawang Korean national na umano ay  nambastos at nanakal sa isang traffic enforcer na pumara sa kanila dahil sa isang paglabag sa batas trapiko sa EDSA, Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Ang mga suspek na nahaharap ngayon sa mga kasong  â€œdriving without license,disobedience to traffic sign, driving under the influence of liquor at assault upon an agent of person in authority” ay sina Kim Jai Hoon, 28 at Cha In Gem, 39, kapuwa turista at pansamantalang nanunuluyan sa Sector 10 Village, Esteban Luna St., Paranaque City.

Batay sa ulat,dakong alas-3:00 ng madaling araw nang parahin ng traffic enforcer ng Pasay City Traffic Management Unit na si Noel Abundo, 44, ang isang Starex van (BDD-460) na minamaneho ni Kim makaraang mag-U trun sa isang ipinagbabawal na bahagi ng EDSA.

Sinabi ni Abundo na habang ipinapaliwanag niya ang bayolasyon ng mga dayuhan, bumaba ng sasakyan ang kasamahan nitong si Cha at sinakal ang traffic enforcer sabay sinabihan ng katagang, “I know you are hungry chow­king”.

Nakahingi naman kaagad ng tulong sa kanyang mga kasamahang traffic enforcer si Abundo at kaagad nilang dinakip ang dalawang turista at dinala sa himpilan ng pulis­ya.

ABUNDO

CHA IN GEM

ESTEBAN LUNA ST.

KIM JAI HOON

NOEL ABUNDO

PARANAQUE CITY

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with