PAGASA: Hindi pa summer, kahit mainit ang panahon

MANILA, Philippines - Hindi pa summer season kahit may pag-init  ng panahon na nararanasan.

Ito ang niliwanag ng Phi­lippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration  (PAGASA).

Ayon kay Samuel Duran, weather forecaster ng PAGASA kadalasan ay umiinit ang panahon dahil sa nagaganap na monsoon break o paghina ng hanging amihan.

Sinabi pa nito na nasa bansa pa rin ang amihan kaya’t nananatiling malamig ang panahon at humihina lamang ito minsan kaya umiinit ang temperatura sa bansa.

Binigyang diin ni Duran na ang transition period o ang pagpapalit ng panahon mula sa malamig tungo sa summer season ay maaari pang maganap sa pagitan ng buwan ng Marso hanggang buwan ng Abril kada taon.

Karaniwan anya ay nararanasan ang moonsoon break sa kalagitnaan ng buwan ng Enero, pero sa ngayon ay nara­ranasan ito ngayong Pebrero kayat paminsan minsan ay nararamdaman ang mainit na panahon.

 

Show comments