MANILA, Philippines - Nakatakdang kasuhan ng graft and corruption si Antipolo Mayor Nilo Leyble kaugnay ng kontrobersiyal na proyektong Victory Mall na itinayo sa lupang pag-aari ng lokal na pamahalaan sa tapat ng sikat na Katedral ng naturang lungsod.
Isang grupo ng mamamayan ng Antipolo sa pangunguna ni Atty. Henry Rosantino ang nagpahayag na pinag-aaralan na nila ang paghahain ng demanda laban kay Leyble dahil umano sa “sobrang pagka-dehado ng mga Antipolenyo†sa pinasok na kontrata.
Ayon kay Rosantino, pumasok sa Leyble sa kontrata sa nagtayo ng Victory Mall kung saan may parte lamang na 0.5 porsiyento (katumbas lamang ng 50 sentimos sa bawat P100) sa kikitain ng mall bawat taon ang lokal na pamahalaan habang 99.5 porsiyento naman ang kikitain na mapupunta sa negosÂyanteng ka-deal umano ni Leyble sa proyekto.
Sinabi pa Rosantino, nasasaad sa batas na anumang pasuking kontrata ng mga opisÂyal na pamahalaan ay dapat na hindi dehado sa mga mamamayan. Ang isang kontratang “grossly disadvantageous†ay paglabag sa batas na Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ayon naman sa kampo ni Leyble, ayos lang ang Victory Mall deal dahil mapupunta naman sa lokal na pamahalaan ang gusali nito pagkatapos ng 50 taon o kalahating siglo.