Jordanian reporter buhay pa

MANILA, Philippines - Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na buhay pa ang bihag na Jordanian journalist na si Baker At­yani na pinag-aagawan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at ng grupo ng rouge Moro National Liberation Front (MNLF) na ipinagpapalipatlipat nang taguan ng mga abductors nito sa kagubatan ng Sulu.

Ayon kay AFP-Pub­lic Affairs Office (AFP-PAO) Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., nakatanggap sila ng intelligence report na buhay pa si Atyani na naihiwalay ng grupo ni Sayyaf Commander Ra­dulan Sahiron bago pa man naganap ang engkuwentro sa pagitan ng Abu Sayyaf at MNLF rogue elements kamakalawa.

Nabatid na limang araw bago palayain ang dalawang Pinoy crewmen ni Atyani ng Al Arabiyah TV na sina Rolando Letrero at Ramelito Vela  ay naihiwalay na ito at guwardiyado ng mga armadong bandido.

Samantalang humihingi ng P 20M ransom ang mga kidnappers kapalit  ng pagpapalaya sa kay  Atyani na  dinukot ng mga bandido sa Patikul, Sulu noong Hunyo 11, 2012 habang nagsasagawa ng documentary para sa Al Arabiyah TV.

 

Show comments