Pabayang pulis isumbong - Malacañang
MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ng Malacañang ang publiko na huwag matakot i-report ang mga pulis na nagpapabaya sa trabaho.
Ito ang sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte dahil sa nagaganap na mga krimen na kung saan ay nalulusutan ng mga kriminal ang mga kapulisan.
“Yes, this should serve as a warning because we get reports. Once we get (a) report that may mga outpost na wala ho tayong kapulisan, we immediately forward (it) to the leadership of the PNP at ginagawan po nila ‘yan ng kaukulang aksyon,†sabi ni Valte.
Ginawa ni Valte ang pahayag sa gitna ng sunod-sunod na krimen na nangyayari lalo na sa Maynila kung saan pati mga mall ay napapasok ng mga kriminal at sa ulat na wala pa ring police visibility.
“Nandiyan pa rin po ang utos ni General Espina ng NCRPO for the increased visibility of our policemen in their areas of responsibility and please, kung may makikita po kayong mga walang nakatao or wala hong nagbabantay, ipagbigay-alam niyo po agad sa amin. Meron din pong hotline ang PNP, ipagbigay-alam po sa kanila para magawan po agad ng kaukulang aksyon,†ani Valte.
- Latest