Maglive-in tiklo sa shabu

MANILA, Philippines - Magkasamang nakakulong ang isang maglive-in partner matapos na sila ay naaktuhang sumisinghot ng shabu kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jomar Gabrino, 30 at Camille Armada, 22, nakatira sa #1842 Lim-An St., Barangay 4, Zone 2 ng nasabing lungsod na kung saan ay nakumpiska sa kanila ang isang aluminum foil na may nakalagay pang shabu at isang kalibre .22 na may limang bala.

Nabatid na sinalakay ng mga pulis, dakong alas-7:00 ng gabi ang bahay ng mga suspek matapos na magreklamo ang isang estudyanteng na si Jose Espanola na tinutukan umano ng baril ni Gabrino  at dito ay naaktuhan ang mag-live-in na parehong sumisinghot ng shabu.

Show comments