MANILA, Philippines - Isang maglive-in partner ang pinagbabaril habang nakaupo sa tapat ng kanilang bahay ng dalawang salarin kamakalawa sa Malabon City.
Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan BaÂyan ng Malabon (PBM) sanhi ng tama ng bala ng .45 baril sa ulo ang biktimang si Rodrigo Clemente, 21-anyos, residente ng Magsaysay St., Barangay San Agustin ng nasabing lungsod. Habang nasugatan at ginagamot sa nasabi rin ospital ang lover nitong si Margerie Gavino, 20-anyos, sanhi ng tama bala sa braso.
Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay nakaupo sa tapat ng kanilang bahay ang mga biktima nang dumating ang dalawang lalaki at walang salitang pinagbabaril ang mga ito at pagkatapos ay tumakas.