Tatay patay, mag-ina, 1 pa sugatan sa salpok
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang freelance photographer habang ang kanyang mag-ina at isang kasama ay nasugatan matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa center island ng flyover kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Ang nasawi ay kinilalang si Glen Awayan, 37-anÂyos habang nasugatan ang misis nitong si Florida Ferrer, 19-anyos at 3 buwang gulang nilang anak na si Kipthiara Jean, kapwa residente sa #120 Bonn St., Green Park Village, Pasig City at driver ng kotse na si Richmond Tandoc, 37, freelance photographer ng #1213 Kaymito St., Valle Verde, Pasig City.
Batay sa ulat, bandang alas-12:45 kahapon ng madaling araw ay sakay ang mga biktima ng Toyota Corolla (UTM-659) na minamaneho ni Tandoc nang sumalpok ito sa center island sa south bound lane ng Katipunan flyover sa Brgy. Loyola Heights.
Sa lakas ng pagkasalpok ay tumama ang ulo ni Awayan na nakaupo sa harapan ng kotse na nagkataong hindi ito naka-seatbelt.
IdiIneklara ng mga pulis na self accident ang nangyari at inaalam pa nila ang resulta ng eksaminasyon kung nakainom ng alak si Tandoc na maaring maharap sa asunto.
- Latest