MANILA, Philippines - Tumanggap ng reintegÂration funds sa ginanap na seremonya kamakalawa ng umaga sa Brgy. Cagnocot, Villaba, Leyte ang 28 miÂyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagsisuko sa tropa ng militar.
Ayon kay 1st Lt. Rod Vincent Babera, Civil Military Operation Officer ng Army’s 19th Infantry Battalion (IB) ang bawat isang rebel returnee ay pinagkalooban ng tig-P10,000 bawat isa bilang pre-surfacing assistance para magamit ng mga itong puhunan sa pagbabagumbuhay.
Samantala, ang mga nagsurender naman ng mga armas ay binigyan ng P 25,000 bawat isa.
Ang mga tumanggap ng financial assistance ay ang mga rebeldeng daÂting miyembro ng Front-Committee Leyte na ilang taon na ring nakikipagbakbakan sa militar pero nagdesisyong sumuko kamakailan.