MANILA, Philippines - Hinagisan ng granada at pinagbabaril pa ng hindi pa kilalang suspek ang apat na miyembro ng Alferez group na ikinasawi ng isa kamakalawa ng gabi sa CaÂloocan City.
Namatay habang ginaÂgamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Ed Villanueva, nasa hustong guÂlang, ng CatÂleya St., Phase 2, Natividad Subdivision, BaÂrangay 168, DeÂparo, Caloocan City.
Habang nakaligtas sa kaÂmatayan at tumakas ang mga kasama ni Villanueva na sina Antonio Salvador; isang alyas Jim at alyas Panoy.
Sa salaysay ni Nancy Talose, tumatayong care giver ni Salvador na may sakit na cancer, dakong alas-8:45 ng gabi ay nasa loob sila ng bahay kasama ang kanyang 2-anyos na anak na lalaki at yayang si Lovely Rosas kasama sina Salvador nang sumulpot ang apat na kalalakihan at agad na nagÂhaÂgis ng granada at pagÂkataÂpos ay pinagbabaril sila.
Dito ay minalas na tamaan ng bala si Villanueva at ang mga kasama nito sa grupo ay mabilis na tumakas.
Base sa record ng Caloocan City Police, lumalabas na ang mga pinagbabaril ay miyembro ng Alferez group na sangkot sa mga kasong robbery, kidnapÂping at iba pang illegal na gaÂwain.
Nakakuha ang mga pulis sa bahay ni Villanueva ng shotgun, MK-2 hand grenade, mga bala ng M-14 at M-16, mga plaka ng saksakyan, rehisÂtro; mga AFP uniform at mga bag.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga nakalaban ng nasabing grupo.