Kidnaper ng 11-anyos nadakip

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng batas matapos ang apat na taon na pagtatago ng isang lalaki na kumidnap sa isang 11-anyos na batang babae noong 2008 sa Capas, Tarlac nang maaresto ito kamakalawa sa Caloocan City.

Ang suspek ay nakilalang si Mario Basa­ngan “alyas Bogs”, 36, ng Bamban, Tar­lac at nanini­rahan sa Barrio Libis Baesa, Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang madakip ang suspek sa harap ng Mini Stop sa kahabaan ng G. De Jesus St., Bagong Barrio ng naturang lungsod sa bisa ng warrant-of-arrest na inisyu ng Branch 68, RTC ng Ca­pas, Tarlac.

Batay sa record ng pulisya na si Basangan ay sangkot sa pangingidnap sa isang 11-anyos na  batang babae noong 2008 sa Tarlac na kanya rin pinakawalan matapos magbigay ng ransom money ang pamilya nito.

Nang malaman ni Basangan na nagsampa ng kaso ang pamilya ng bata ay nagtago na ito.

Show comments