MANILA, Philippines - Paglabag umano sa karapatan ng tao na maÂmuÂÂhay ng disente at hindi makatarungan ang panuÂkalang prepaid sa kurÂyente.
Ayon kay Gerard Seno, Sec. Gen. ng Trade Union Congress of the PhiÂlipÂpines (TUCP) ang plaÂnong prepaid bill na nais ipatupad sa pagbabaÂyad sa nakunsumong kuryente ay magtataas lamang ng profits distribution utilities at magdadala ng pahirap na babalikatin ng mga manggagawa.
Sinabi rin ni Wilson ForÂtaleza ng Kampanya para sa Makataong Pamumuhay (KAMP) magdadala lamang ng ibaÂyong paghihirap sa mga maÂmamayan ang panukalang prepaid bill na nais ipatupad dahil tiyak na dagdag-pahirap ito.
Pinangangambahan din ng naturang grupo ang nakaambang 39 sentimos na dagdag bayad sa kuryente ngayong 2013 para matugunan ang stranded component ng universal charges.