MANILA, Philippines - Dumating na sa bansa ang labi ng tatlo pang overÂseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa maÂdugong hostage-taking sa isang gas plant sa Algeria.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez dumating kamakalawa ng gabi ang mga labi ng tatlo pang OFWs kasunod ng repatriation sa mga bangkay ng apat na Pinoy na biktima rin ng hostage crisis sa In Amenas gas plant sa Algeria.
Tumanggi si Hernandez na pangalanan ang mga biktima dahil sa pakiusap ng kanilang kaanak.
May isa pang bangkay ng Pinoy ang naiwan sa Algeria at pinoproseso na rin ang pagpapauwi dito habang patuloy na hinahanap ang isang OFW na nawawala.
Ayon naman kay OWÂWA Administrator CarÂmelita S. Dimzon ang paÂmilya ng lahat ng nasaÂwing OFWs sa Algeria na miyembro ng OWWA ay makatatanggap ng P220,000 death at burial benefits. Aalukan din sila na maka-avail ng Education and Livelihood Assistance Program (ELAP), scholarship grant para sa kuwalipikadong dependent o anak, at livelihood assistance na P15,000 halaga para sa maybahay o asawa ng nasawing OFW upang makapagsimula ng maliit na negosyo.