MANILA, Philippines - Isang 4-anyos na baÂtang lalaki ang naiulat na nasawi sa sakit na meningococcemia kamakalawa ng gabi sa, Amang RodÂriguez Memorial Medical Center (ARMMC) sa Marikina City.
Ang bata na hindi na tinukoy ang kanyang paÂngalan na taga-Rodriguez, Rizal ay nalagutan ng hiÂninga ganap na alas-9:46 ng gabi makalipas ang anim na oras na maisugod sa ARMMC.
Sinabi ni Dr. Paraluman Mendoza-Manuel, senior pediatrician ng ARMMC, apat na araw ng nilalagnat ang bata nang ito ay isugod sa pagaÂmuÂtan.
Ayon kay Dr. Manuel, agad nilang sinuri ang bata, isinailalim sa laboratory test at doon nakumpirma na positibo sa sakit na meningococcemia makaraang maglabasan ang mga sintomas, tulad ng pagsusuka, pasa at mga rashes sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng pasyente.
Dahil sa pagkamatay ng bata kaya isinara ang emerÂgency room ng ARÂMÂMC sa loob ng halos anim na oras at pansamanÂtalang inilikas ang ibang
pasyente sa lobby para hindi mahawa sa sakit.
Maging ang mga bantay at mga dumadalaw sa mga maysakit sa ARMMC ay nag-panic at mabilis na naglabasan sa ospital dahil sa takot na mahawa ng nasabing karamdaman.