MANILA, Philippines - Naaresto sa isang buy bust operation ng mga otoridad ang isang lalaking guro sa pampublikong paaralan matapos na bentahan nito ang isang poseur buyer na ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa sa Quezon City.
Ang suspek ay kinilaÂlang si Arnulfo Remigio, alyas Kid, guro sa Amparo High School sa Caloocan City at residente ng Block 10, Lot 3, Carnation St., Capitol Park Homes II Subdivision, Caloocan City, .
“He [Remigio] is a secondary-level teacher and is supposed to be teaching and educating young people on the evils of drug abuse. But sad to say he is the one doing the drug-pushing,†wika ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr.
Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang magsagawa ng buy bust opeÂration ang PDEA sa isang bahagi ng University of the Philippines (UP) Campus sa Commonwealth AveÂnue, Quezon City.
Nang iabot ng suspek sa isang nagpanggap na buyer ang shabu ay dito na ito inaresto ng mga miÂyembro ng PDEA na nakaantabay sa lugar.
Nakuha sa suspek ang ilang drug paraphernalias at ang P500 marked money.
Nabatid pa sa PDEA, na si Remigio ay nagbebenta ng shabu sa ilang kilalang gimikan, lalo na sa sentro ng information technology sa Commonwealth Avenue.
Ang suspek ay nakakulong na at ipinagharap ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive DangeÂrous Drugs Act of 2002.