Maglola kinatay ng 2 kawatan
MANILA, Philippines - Walang-awang pinagsasaksak ng dalawang kaÂwatan ang isang maglola sa loob ng bahay nito matapos na makita ang ginawang pagnanakaw kamakalawa sa Brgy. KaÂbangbang, Bantayan, Cebu.
Ang mga nasawi ay naÂkilalang sina Patricia DeÂÂsamparado Batoy, 74-anyos at 9-anyos nitong apo na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan sa ulat.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng maglola sa bahay nila.
Arestado naman ang mga suspek na sina Ruben Fabian at Romel dela Peña habang pasakay ng sasakyan patungong Estancia, Negros Occidental matapos na ituro ng mga testigo na siyang nakitang tumatalilis mula sa bahay ng matanda.
Narekober mula sa mga suspek ang alahas na diyamante, P 4,000 cash at wallet na pag-aari ng matanda.
Pinaniniwalaan na naÂaktuhan ng matanda ang pagÂnanakaw kaya’t piÂnasÂlang ito kasama ang kaÂÂniyang apo.
- Latest