MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III na pananagutin ang Amerika sa pinsalang idinulot sa Tubbataha Reef ng sumadsad ang kanilang barko na USS Guardian.
Sinabi ng Pangulo hindi sapat ang paghingi ng sorry ng Amerika lalo pa’t dapat ipaliwanag kung paano napunta ang nasabing barko sa protected area ng Pilipinas at kung papaano pumalpak ang navigation systems nito gayong itinuturing itong kabilang sa “most sophisticated’ na barko sa mundo. Bagama’t humingi na ng paumanhin si US Ambassador to the Philippines Harry Thomas, sinabi ng Pangulo na dapat sumunod sa batas ng Pilipinas ang mga pumapasok sa bansa. Pero tiniyak ng Pangulo na magkakaroon muna ng imbestigasyon na pangungunahan ng Department of Transportation and Communication upang matiyak din kung gaano kalawak ang naging pinsala sa Tubbataha Reef.
Idinagdag ng Pangulo na dapat ma-address ang lahat ng paglabag na ginawa ng nasabing barko ng pumasok ito sa protected area ng bansa.