^

Police Metro

US mananagot sa sira sa Tubbataha reef – P-Noy

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III na pananagutin ang Amerika sa pinsalang idinulot sa Tubbataha Reef ng sumadsad ang kanilang barko na USS Guardian.

Sinabi ng Pangulo hindi sapat ang paghingi ng sorry ng Amerika lalo pa’t dapat ipaliwanag kung paano napunta ang nasabing barko sa protected area ng Pilipinas at kung papaano pumalpak ang navigation systems nito gayong itinuturing itong kabilang sa  “most sophisticated’ na barko sa mundo. Bagama’t humingi na ng paumanhin si US Ambassador to the Philippines Harry Thomas, sinabi ng Pangulo na dapat sumunod sa batas ng Pilipinas ang mga pumapasok sa bansa. Pero tiniyak ng Pangulo na magkakaroon muna ng imbestigasyon na pangungunahan ng Department of  Transportation and Communication upang matiyak din kung gaano kalawak ang naging pinsala sa Tubbataha Reef.

Idinagdag ng Pangulo na dapat ma-address ang lahat ng paglabag na ginawa ng nasabing barko ng pumasok ito sa protected area ng bansa.

vuukle comment

AMERIKA

BAGAMA

IDINAGDAG

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PERO

PHILIPPINES HARRY THOMAS

PILIPINAS

TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

TUBBATAHA REEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with