Habang nanghuhuli ng gagamba... binatilyo nakuryente, dedo

MANILA, Philippines - Dedo ang isang bina­tilyo makaraang aksiden­teng makuryente at mahulog sa gusali habang nanghuhuli ng gagamba sa Bacolod City, Negros Occidental ka­makalawa ng umaga.

Kinilala pa lamang ang biktima sa pangalang alyas Toto na agad na na­sawi sa pinangyarihan ng insidente dahil sa pagkakabasag ng kanyang ulo nang mahulog sa gusali sa Purok Magtia, Barangay 10 sa nasabing probinsiya ganap na alas-10:10 ng umaga.

Ayon kay Mamerto Lupo, construction wor­ker, nakita niya ang bik­tima  na umakyat sa ‘ele­­vated platform’ ng itinata­yong gusali sa reclamation area para sungkutin ang isang gagamba.

Sinigawan umano ni Lupo ang biktima na bu­maba pero sobrang pa­saway ito at abala sa pang­huhuli ng gagamba hanggang sa aksidente ma­hawakan ang isang live wire na siyang dahilan upang mawalan ng balanse at mahulog sa gusali.

Bago maganap ang insi­dente ay una na umanong tinangka ng biktima na umak­yat sa isang kalapit na gusali pero nakita ito ang isang security guard at pinagbawalan kaya sa kabilang gusali ito umakyat.

Show comments