Habang nanghuhuli ng gagamba... binatilyo nakuryente, dedo
MANILA, Philippines - Dedo ang isang binaÂtilyo makaraang aksidenÂteng makuryente at mahulog sa gusali habang nanghuhuli ng gagamba sa Bacolod City, Negros Occidental kaÂmakalawa ng umaga.
Kinilala pa lamang ang biktima sa pangalang alyas Toto na agad na naÂsawi sa pinangyarihan ng insidente dahil sa pagkakabasag ng kanyang ulo nang mahulog sa gusali sa Purok Magtia, Barangay 10 sa nasabing probinsiya ganap na alas-10:10 ng umaga.
Ayon kay Mamerto Lupo, construction worÂker, nakita niya ang bikÂtima na umakyat sa ‘eleÂÂvated platform’ ng itinataÂyong gusali sa reclamation area para sungkutin ang isang gagamba.
Sinigawan umano ni Lupo ang biktima na buÂmaba pero sobrang paÂsaway ito at abala sa pangÂhuhuli ng gagamba hanggang sa aksidente maÂhawakan ang isang live wire na siyang dahilan upang mawalan ng balanse at mahulog sa gusali.
Bago maganap ang insiÂdente ay una na umanong tinangka ng biktima na umakÂyat sa isang kalapit na gusali pero nakita ito ang isang security guard at pinagbawalan kaya sa kabilang gusali ito umakyat.
- Latest