MANILA, Philippines - Arestado na sa mga taÂuhan ng Quezon City police ang itinuturong gunÂman o bumaril at nakaÂpatay kay Maconacon MaÂyor Erlinda Domingo.
Kinilala ang naarestong gunman na si MarÂsibal Abduhadi alyas Bagwis, na hinuli sa loob ng Salam Mosque sa lungsod ganap na alas-12:30 ng madaling araw kahapon.
Sinalakay ang nasabing Mosque ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at Special WeaÂpons and Tactics (SWAT) na pinamunuan mismo ni QCPD Dir. Richard Albano makaraang matanggap ng impormasyon na nagtatago sa lugar si Bagwis.
Ayon kay Dir. Albano, agad na napaligiran ng mga awtoridad si Bagwis at hindi na nito nagawang makabunot ng baril nang tangkain pumalag sa mga awtoridad.
Nakumpiska kay Bagwis ang 2 granada, isang 9mm, 2 sachet ng shabu, 2 sachet ng cocaine at mga paraphernalias.
Giit ni Albano na close book na ang kaso ng pagÂpaslang kay Mayor Domingo dahil sa pagkakahuÂli kay Bagwis. Pinapurihan naman ni PNP Chief Dir. Gen. Allan Purisima ang pamunuan ng QCPD dahil sa mabiÂlis na paglutas sa kaso ng pagpatay kay Mayor DoÂmingo.