^

Police Metro

2 JI natigok sa Mindanao

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na may dalawang banyagang terorista na miyembro ng Jemaah Isla­miyah (JI) ang napatay sa bansa bago matapos ang  taon 2012.

Ang una ay napaslang umano noong Nobyembre 21, 2012 ang isang nakila­lang Ibnu Gholib Al-Jitlio  (Ustadz) Sanusi na isang Indonesian na pinaghihinalaang senior member ng JI sa Marawi City.

Ang ikalawa naman na  napaslang noong Disyembre 14 ay kinilalalang si Noor Fikrie Kahar na isa namang Malaysian na­tional na miyembro din ng JI.

“Kung matatandaan ninyo, he attempted to detonate an improvised explosive device sa isa pong hotel sa Davao City. ‘Yung asawa po nito na Pilipina, si Anabelle Nieva Lee, remains in the custody of the authorities at under judicial process na po siya. So ito ho ‘yung confirmation po natin,” pahayag pa ni Valte.

Idinagdag ni Valte na si Ibnu Gholib Al-Jitli o alias Sanusi, bago dumating sa Pilipinas ‘nung 2006 ay nasangkot sa pagpugot sa ulo ng tatlong batang babae noong 2005 sa Sulawesi, Indonesia.

Ayon kay Valte ipina­kikita lamang nito na ser­yoso talaga ang gobyerno na sugpuin ang mga tero­ristang nasa bansa.

ANABELLE NIEVA LEE

DAVAO CITY

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

IBNU GHOLIB AL-JITLI

IBNU GHOLIB AL-JITLIO

JEMAAH ISLA

MARAWI CITY

NOOR FIKRIE KAHAR

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with