MANILA, Philippines - Isang bus driver at pasahero nito ang nasawi habang 40 iba pa ang nasugatan matapos na masalpok ng isang pampasaherong bus at nakatigil na trak kahapon ng madaling-araw sa national highway ng Castilla, Sorsogon.
Ang nasawi ay ang driver ng Ellavil Bus na si Raymundo Lapso, 46-anyos, matapos maipit ang katawan habang nasawi ang pasaherong nitong si Clodualdo Recel, 64-anyos.
Dinala sa mga paÂgamutan ang mga biktimang nagtamo ng sugat at pagkabali ng katawan na kinabibilaÂngan nina Jennyln Jular, 22, Osias Samante, 32; Adelaida Ultra, Gracia Nacsa, Karen Cerbito, Gemma Acopiado, Merlan Obesis, Reina Umbog, Rafael Umbog, Manuel Durana, Joselita Robles at iba pa.
Batay sa ulat, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang bangaan sa kahabaan ng Maharlika highway, Brgy. Rawis, Castilla ng lalawigang ito.
Kasalukuyang bumaÂbagtas sa lugar ang Ellavil Bus na galing MeÂtro Manila at patungong Northern Samar nang makabanggaan ang kasalubong na trak na sa lakas ay tumilapon pa sa loob ng bus ang isang batang pasahero.
Nabatid na madilim sa lugar at mabilis ang takbo ng nasabing bus na agad sumalpok sa likurang bahagi ng truck na nasiraan sa tabi ng highway.