MANILA, Philippines - Malaki ang paniwala ni Bangon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva na malaki ang kanyang tsansa upang manalo sa darating na senatorial race sa May 2013.
Ayon kay Bro. Eddie, matagal na ang clamor mula sa Bangon Pilipinas upang tumakbo siyang senador hanggang sa makumbinsi siyang maging substitute candidate ni Israel Virgines.
Wika pa ni VillaÂnueva, ang kanyang mga believers ay nagtayo ng BESMO (Bro. Eddie for Senator Movement) upang himukin siya noon na tumakbong senador, subalit hindi niya ito pinagbigyan.
“Nagtayo sila ng BESÂMO, Bro. Eddie for Senator Movement. NabaÂlita pa na ‘yung anak ko ay pinapatakbo ni President PNoy, si Joel, so lalong nawalan ako ng interes. Anyway kako, ‘yung gagawin ni Joel sa Senado, ‘yung gagawin ko ay gagawin din nu’n,†paliwanag pa ni Bro. Eddie sa isang panayam sa telebisyon.
Aniya, pero noong mawala sa line-up ng Liberal Party coalition ang kanyang anak na si TESDA chief Joel Villaneva ay nakumbinsi na siyang mag-file ng kanyang kandidatura bilang substitute candidate ng Bangon Pilipinas.
“Ayokong dumating ang panahon na sisihin ako sa kasaysayan na mayroong clamor for genuine change at mayroon naman ako magagawa, pero umatras ako,†giit pa ni Bro. Eddie.
Todo naman ang suporta ng milyong followers nito sa Jesus is Lord (JIL) movement at malaki ang kanyang tiwala na mananalo siya sa pagkakataong ito.