MANILA, Philippines - Wala umanong balak na piyansahan ni Pangulong Benigno Aquino III si Presidential Adviser on Environmental Protection at LLDA general manager Neric Acosta matapos na iutos ng Sandiganbayan ang pag-aresto dito kaugnay sa kasong perjury.
Ito ang inihayag ni DeÂputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dahil sa mas inaasahan ng Malacañang na tatalima si Acosta sa rule of law matapos magpalabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan 5th division laban sa kanya.
Bukod kay Acosta ay ipinapaaresto din ng korte ang ina nitong si Mrs. Socorro Acosta at kanyang tiyahin na si Ma. Nemia Bornidor na miyembro naman ng board ng Binhi.
Ang kaso ay kaugnay sa P5.5 milyong pork barrel ni Acosta noong kongresista pa ito sa VegeÂtable Producers Cooperative na isang pribadong kumpanya na pag-aari ng pamilya ng mambabatas.
Magugunita na dati ay pininyasahan ni PaÂngulong Aquino si dating Isabela Governor Grace Padaca na ngayon ay miÂyembro ng Commission on Election.
Kasalukuyan ay nasa Davos, Switzerland si Pangulong Aquino.