LTO balik manu-mano sa Pebrero

MANILA, Philippines - Dahil sa wala pang nakukuhang bagong information technology (IT) service provider ang Land Transportation Office (LTO) kapalit ng  Stradcom Corporation na ang kontrata ay mage-expire na sa February 13, 2013 ay posibleng babalik sa manual operation ang  sistema sa ahensiya.

Ipinaliwanag ni Stradcom executive Cezar Quiambao na lupaypay na sa gastusin ang kumpanya at kinakapos na sa budget mula nang hindi na bayaran ng LTO ang kumpanya mula Oktubre 2010 at umaabot na sa mahigit P4 bilyon ang utang ng LTO sa Stradcom as of November 2012.

Kasama sa pagbabalik manual sa pagrerehistro ng sasakyan at pagrerenew ng drivers license na posibleng pagmumulan ng matinding korapsiyon.

 

Show comments