^

Police Metro

6 tinedyer nailigtas sa hazing

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga elemento ng pulisya sa tiyak na kamatayan ang anim na kabataan matapos nilang maaktuhang isinasailalim sa hazing rites ng isang fraternity sa isang bahay sa Brgy. Alijis, Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa.

Ang mga nasagip na biktima na nagkaka-edad 17 at 16 na hindi tinukoy ang mga pangalan bunga ng pagiging menor-de- edad na pawang residente ng lungsod na Silay, Victorias at Talisay; gayundin mula sa bayan ng Murcia at La Castellana ng nasabing lalawigan.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa mga opis­yal ng barangay sa nasabing lugar bandang alas- 4:00 ng hapon hinggil sa kahina-hinalang presensya ng mga kabataan na magkakasunod na nagdatingan sa isang bahay sa ECC Villas sa lungsod.

Ilang oras pa ay naka­rinig ang mga ito ng mga pagdaing at paghiyaw ng mga pinahihirapang kabataan at sa puntong ito ay nagresponde naman ang mga operatiba ng pulisya at nahuli sa akto ang 30 miyembro at opisyal ng Alpha Kappa Rho o Akhro fraternity habang pinahihirapan ang anim na kabataan na kanilang hinahataw ng kahoy.

Nakaditine sa himpilan ng Police Station 7 ng Bacolod City Police ang mga naarestong lider ng fraternity na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan dahilan mga menor-de-edad.

 

AKHRO

ALIJIS

ALPHA KAPPA RHO

BACOLOD CITY

BACOLOD CITY POLICE

LA CASTELLANA

NEGROS OCCIDENTAL

POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with