Founder ng Aman pyramiding scam naaresto

MANILA, Philippines - Ikinagalak ng Malacañang ang pagkakaaresto sa Aman Futures head na si Manuel Amalilio sa Kota Kinabalu, Malaysia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacier­da, malaking bagay ang pagkakahuli kay Amalilio para mabigyan ng hustisya ang mga naloko nito sa Mindanao.

Si Amalilio ay nakaku­long sa Bureau of Immigration detention facility sa Kota Kinabalu matapos dakpin ng Malaysian authorities dahil sa pekeng pa­saporte at Malaysian iden­tification card, gayung ito ay isang  Filipino Citizen.

Kasalukuyan na uma­nong nakikipag-ugnayan   ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur  Malaysian police para sa agarang pagpapadeport kay Amalilio upang harapin ang mga kaso nitong large scale estafa. Mahigit P12 bilyon ang nakuha ni Amalilio mula sa mga nag-invest sa kanya na karamihan ay mula sa Mindanao. – Rudy Andal, Ludy Bermudo, Ellen Fernando –

 

Show comments