MANILA, Philippines - Grabe ang inabot na gulpi, pagplantsa at tangkang pagsunog sa isang 7 buwang buntis na ginang ng dati nitong lover nagaÂnap sa Quezon City kamakalawa.
Ang biktima na nakaÂraÂtay sa pagamutan ay naÂkiÂlalang si Monaliza Serpa, 19, residente ng Lower Nawasa, Purok 6, Brgy. Commonwealth ng lungsod.
Nagtamo ito ng maraÂming sugat sa ulo at katawan mula sa pagtadyak at pagpalo pa ng martilyo sa kanyang ulo ng dati nitong lover at ama ng kanyang pinagbubuntis na si Alexis Reyes, 38 ng Brgy. Cupang, Pandi Bulacan.
Naaresto ito sa isinagawang follow-up operation sa Baliuag, Bulacan.
Batay sa imbestigasÂyon ng pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon noong Martes ay nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang suspek at humiling na sila ay muling magbalikan na tinanggihan ng una.
Nagalit ang suspek at pinagbubugbog niya ito at pinaghahampas ng marÂtilyo sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.
Hindi pa nakuntento ay kinuha pa ng suspek ang mainit na plantsa at pinaso ang biktima sa suso at maselang parte ng katawan.
Pagkatapos ay kumuha ito ng isang bote ng gaas at ibinuhos sa biktima saka sinindihan ito para sunugin. Nang mawalan ng ulirat ang biktima ay tumakas ang suspek.
Nang dumating ang bayaw na si Ramil Sanico ay agad dinala ang biktima sa East Avenue Medical Center kung saan siya patuloy na inoobserbahan.