Pulis umawat sa away, pinatay

MANILA, Philippines - Nagmistulang bayani ang isang pulis ma­ta­pos ba­rilin habang uma­awat sa away ng kan­­yang mga kapitbahay ka­­ha­pon ng madaling araw sa Marikina City.

Ang nasawi ay kinila­lang si PO3 Conrado Las Piñas, 36, nakatalaga sa Sta­tion Anti-Illegal Drugs ng Pasig City Police at residente ng 16 Saint Jude St., Saint Claire III, Concepcion I, Marikina City.

Nadakip ang isa sa mga suspek na si Abdul Bare Adiong Salik, 37, kapit­bahay ng biktima, ha­bang pinaghaha­nap pa ang tatlong umano’y
kasama nito.

Batay sa ulat, bago naganap ang pamamaril dakong alas-12:05 ng mada­ling-araw sa Saint Jude St., sa Saint Claire III ng nasabing barangay ay katatapos lamang umanong uminom ng biktima at ng isang
Allan.

Nang pauwi na si Allan ay bigla na lamang itong hinarang ng suspek na nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa makialam umano ang tatlo pang kasama.

Namagitan ang pulis sa away at tinangkang ayusin ang gusot, ngunit isa sa mga suspek ang kaagad na bumaril sa biktima na
nag­­resulta sa aga­rang kamatayan nito.

Show comments