Maiingay mag-inuman pinagbabaril: 1 utas
MANILA, Philippines - Isang lasing na lalaki ang nasawi nang pagbaÂbarilin ito ng hindi pakilalang mga suspek na umano ay naingayan sa pag-iinuman nila sa kalye kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Ariel Gerardo, ng no. 163 Apple Street, Purok 9, Sampaloc Site II, Brgy. BF Homes, ng lungsod.
Lumalabas sa imbesÂtigasyon, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay maingay na nag-iinuÂman ang biktima kasama ang grupo nito kung kaÂya’t biÂnulyawan sila ng mga residente.
Papauwi na sana ang biktima nang biglang lusubin ang kanilang inuman ng mga galit na lalaki at suÂmiklab ang kaguluhan at umalingawngaw ang ilang putok ng baril na kung saan ay duguang bumagsak ang biktima.
Patuloy ang imbestiÂgasÂÂyon ng pulisya sa mga suspek na lumusob at naÂmaril.
- Latest