MANILA, Philippines - Tatlong holdaper at dalawang miÂyemÂbro ng akÂyat-bahay gang ang naÂsawi sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa magkaÂhiwalay na insidente sa Sta. Cruz, Maynila at QueÂÂzon City.
Sa Maynila, tatlong holdaper ang napatay ng mga pulis nang ito ay maÂkipagbarilan matapos maaktuhan na nagsasagawa nang panghuholdap sa mga pasahero ng jeep sa Sta. Cruz, Maynila.
Ang unang suspek ay inilarawan na nasa paÂgiÂtan ng 25 hanggang 30, nasa 5’7†ang taas, brown comÂÂplexion, kaÂtamÂtaman ang katawan, nakasuot ng asul na sweat shirt, puÂlang shorts at kumbinasyon ng pula at itim na tsinelas. Ang ikalawa ay nasa pagitan ng 24-27 ang edad, 5’7†ang taas, brown complexion, katamtaman ang laki ng katawan, naÂkasuot ng kulay asul na long sleeve sweater, kumÂbinasyon ng checkered white and blue short pants, naka-t-shirt at naÂkaitim na tsinelas. Habang ang pangatlo ay nasa pagitan ng 25 hanggang 30; 5’5†ang taas, brown complexion, katamtaman ang laki ng katawan, naka-itim na polo shirt at itim na tsinelas.
Narekober sa mga suspek ang tatlong kalibre .38 baril na may apat na bala at pitaka na may lamang P6,770.
Sa imbestigasyon dakong alas-2:45 ng madaÂling-araw ay sumakay ang tatlong suspek sa jeep sa tapat ng Odeon/Vista sa Claro M. Recto kanto ng T. Mapua Sts., Sta. Cruz, Maynila.
Agad naglabas ng mga baril ang mga suspek at nagdeklara ng holÂdap at pinagkukuha ang mga gamit at pera ng apat na paÂsahero na kinilalang sina Gerlie Atencio, 38; BenÂjie Vergara, 19; Glenda Beguerra, 33; at Mark Santos, 29.
Nagkataon naman na nagpapatrulya ang mga pulis sa lugar at nakita ang nagaganap na koÂmosyon kung kaya’t nilapitan nila ito.
Nakahalata ang mga suspek kung kaya’t agad umano nilang pinaputukan ang mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga pulis at nasawi ang tatlo.
Sa Quezon City, daÂlaÂwang miyembro ng Akyat Bahay gang ang nasawi rin matapos maÂkipagbarilan sa mga pulis, ilang minuto matapos na looban ang isang opisina sa Quezon City kamakalawa ng alas-11:55 ng gabi.
Ang dalawang napatay ay inilarawan ang isa na nasa pagitan ng edad na 25-30, may tattoo sa kaliwang balikat, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at stripe na short pants; habang ang isa ay nasa paÂgitan ng edad na 30-35, may tattoo na “Alex 32 Advento†sa likod at kaliÂwang balikat, nakasuot ng kulay asul na jacket at maong pants.
Nakatakas ang isa niÂlang kasama na tinutugis na ng otoridad.
Batay sa ulat, naganap ang barilan sa tapat ng isang apartment sa no. 90-B Broadway, corner 4K St., Brgy. New Manila matapos na makita ng mga nagÂpapatrulyang pulis ang mga suspek na ikinakarga ang nakulimbat sa isang tricycle na walang plaka.
Nabatid na pinasok at pinagnakawan ng mga suspek ang apartment na pag-aari ng isang Boy Pantoja, 52, negosyante.
Ang nasabing apartment ay ginagamit umaÂnong studio kung kaya’t walang nakatira dito at isinasara lamang kapag gabi.
Nang aktong papalapit ang mga otoridad para inspeksyunin ang tricycle ay bigla na lamang umano itong pinaharurot ng isa sa mga suspek patungo sa Aurora Blvd., at iniwan ang dalawang kasama nito.
Nang maiwan ang daÂlawang suspek ay nagpasya na lumaban at paputukan ang mga pulis na naging ugat upang gumanti ng putok ang mga huli.
Napatay ang dalawang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.