Hostage crisis sa Algeria 55 patay, 52 Pinoy nailigtas

MANILA, Philippines - Dumanak ng dugo ang pagtatapos ng apat na araw na hostage crisis sa Algeria gas plant matapos na mapatay ang 23 hostages habang 32 pa sa panig ng mga militante, samantalang nailigtas naman ang may 800 manggagawa kabilang ang 52 Pinoy, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

Sinabi ni DFA Spokesman Raul Hernandez, base sa report ng ipinadalang team sa Algeria mula sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli at London,   “accounted” na ang 52 Pinoy na nagtatrabaho sa In Amenas gas plant sa isang disyerto sa Sahara na inatake ng mga militanteng Islamist noong Miyerkules.

Sinabi ni Hernandez, mula sa nasabing bilang ng mga nakaligtas na Pinoy, 39 dito ang nakauwi na rin sa bansa kahapon lulan ng Emirates Airlines Flight EK-332 dakong alas-4:00 ng hapon mula Dubai; apat na Pinoy ang dinala sa Mercure Hotel sa Algiers; apat sa Al Azhar Clinic sa Algiers; tatlo ang inaayos na ang repatriation sa London; isa ang inilipad sa Germany at isa ang inilikas sa Canada.

Ayo kay Hernandez, ang 39 Pinoy na sinalubong ng mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kanilang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport kahapon.

Show comments