MANILA, Philippines - Tigok ang isang vendor makaraang mahulog sa sinasandalang veranda sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Joel Gutierrez, residente ng #1359-B Juan Luna St. Tondo, Maynila.
Sa ulat ni SPO1 Jonathan Bautista ng Manila Police Distrct-Homicide Section, dakong alas-6:15 ng umaga nang madiskubre ng isang dumaan na delivery boy ang katawan ng biktima na nakalugmok sa tapat ng kanyang bahay.
Ayon sa report nawalan ng balance ang biktima sa pinagpapahingaan niyang veranda sa kanilang tahanan kaya ito nahulog.
Naisugod pa sa Mary Johnston Hospital ang biktima subalit bandang alas-10:00 ng umaga nang ideklarang patay dahil naubusan umano ito ng dugo.