Salpukan ng 2 bus sa Edsa:16 sugatan

MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bus na nawalan ng preno ang su­malpok sa likuran ng isa ring bus na ikinasugat ng 16 na pa­sahero kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng EDSA  tapat  ng Farmers Plaza, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Ang mga nasugatang pasahero na nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center ay nakilalang sina Anna Marie Paraiso; Jessica Caguia Pito; Marvi Veronce; May Villaflor; Manuel Bote; Maribeth Belleza; Dennis Angela Salazar; Catherine Andres; Manuel Maestro; Charlie Magi; Jacky Chan De Luna; Laila Sanderac; David Manlapig; at John Raniel Isidro.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:00 ng gabi nang masalpok ng Star Bus (TXC-764) na minamaneho ni Michael Regalario ang RBM Bus (TXX- 740) na minamaneho naman ni Dominador Usita.

Ayon kay Regalario, nawalan ng preno ang minamaneho niyang bus dahilan upang tumbukin ang likurang bahagi ng RBM bus na noo’y nagbababa ng pasahero.

Show comments