P/Capt., nagbaril sa ulo

MANILA, Philippines - Niyakap muna ng isang opisyal ng pulis ang kanyang misis na isa ring pulis sa loob ng kanilang kuwarto bago ito nagbaril sa ulo naganap kama­kalawa sa Brgy. Pasobolong, Zamboanga City.

Ang biktima na agaw buhay ngayon sa ospital ay nakilalang si Sr. Inspector Armand Terra­nia, nakatalagang Deputy Station Commander sa  Divisoria Police Station 5 sa lungsod ng Zamboanga.

Batay sa ulat na nakarating dakong alas-5:30 ng umaga nitong Biyernes ay naghahanda na si Terrania at ang misis nitong isa ring pulis para pumasok sa kanilang duty sa himpilan.

Nagulat ang misis nang yayain siya ng mister na puma­sok muli sa kuwarto at dito ay mahigpit siyang niyakap nang bigla na lamang itong magbaril sa ulo na ikinagulat ng ginang.

May hinala ang pulisya na may problema sa pamilya ang nasabing biktima kaya’t nagawa nitong kitilin ang sariling buhay.

Show comments