Sinibak na Calabarzon chief kakasuhan sa ‘Atimonan 13’
MANILA, Philippines - Nakatakdang kasuhan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ng administratibo at kriminal ang sinibak na si CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) Director P/Chief Supt. James Melad kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng “Atimonan 13†naganap noong EneÂro 6.
Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima na bagaman wala sa aktuwal na opeÂrasyon si Melad ay lumagda naman ito sa “Coplan Armado†upang isagawa ang opeÂrasyon laban sa grupo ng umano’y lider ng gun for hire na si Vic Siman.
Una nang inamin ni Melad na inaprubahan niya ang operasyon bagaman hindi naman nalalaman ang mga nakalagay sa rekomendasyon ni Sr. Supt. Hansel Marantan, Deputy Chief for Intelligence ng PRO IV-A team leader ng grupo na nagsagawa ng checkpoint na nauwi sa madugong shootout na pinagdududahang rubout na ‘overkill’ pa ayon sa lumilitaw sa imbestigasyon.
Ayon kay Purisima na si Melad, ay may pananagutan sa isyu ng command responsibility partikular na sa “case operation plan†matapos na pirmahan ang Coplan Armado laban sa grupo ni Siman, umano’y operator ng illegal na gambling na bookies.
Magugunita na kabilang rin sa nasawi sa AtiÂmonan 13 bukod sa target na si Siman, ay si Sr. Supt. Alfredo Consemino, Group Director ng Police Regional Office (PRO) IV-A, dalawang police security escort nito, dalawang sundalo ng PhiÂlippine Air Force at ang environmentalist na si Jun Lontok.
- Latest