MANILA, Philippines - Nagtungo kahapon si Executive Director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Chief Supt. Reginald VillaÂsanta, upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa pagkamatay ng 13 katao sa Atimonan, Quezon noong Enero 6.
Dito ay inihayag ni Villasanta na hindi pinahintulutan ng PAOCC ang pagsasagawa ng Case Operations Plan Armado na mas kilala ngayon bilang Coplan Armado at katunayan ay mayroon silang nilagdaang board resolution na hindi ito inaprubahan dahil sa kakulangan sa documentation na mahalagang rekisito upang matukoy ang viability and feasibiÂlity ng operasyon.
Ang Coplan Armado ay isinumite nina P/Supt. Hansel Marantan, Police Supt. Glenn Dumlao at Police Chief Supt. James Melad noong Nobyembre 2012 at sila ay nagpalabas ng P100,000 para lamang sa case build up o imÂbestigasyon at hindi iyon pondo para sa operasÂyon na nauwi sa madugong insidente.
Kabilang aniya sa hinihinging requirement ay ang memo directive o endorsement mula sa mother unit at mga impormasyon kaugnay sa mga bumubuong agent at mga target.
Ipinaliwanag pa ni Villasanta na ang mandato ng PAOCC ay magÂkaloob ng suporta sa mga law enforcement agency sa pamamagitan ng technical, legal at financial assistance upang mapagtuluy-tuloy at mapalakas ang kampanya ng pamahalaan na mabuwag ang mga organisadong armadong grupo. - Ludy Bermudo, Rudy Andal -