MANILA, Philippines - Bukas ang operasyon ng Pasay City Treasurer’s Office at Business Permits and Licensing Office ngayong darating na Sabado at Linggo mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon na maaaring palawigin pa kung kinakailangan.
Ito ay upang maserbisyuhan ang higit na maraming mga negosyante at residente na hahabol sa pagbabayad ng buwis.
Inatasan ni Pasay City Mayor Antonino Calixto sina City Treasurer Manuel Leycano at ang mga opisyal at tauhan ng BPLO na mag-overtime ngayong Sabado at Linggo dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga taxpayers.