MANILA, Philippines - Nasa 46 katao ang nasakote ng mga operatiba ng Philippine National Police sa loob ng apat na araw na implementasyon ng gun ban sa buong bansa kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo ng taong ito.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr, sa kabuuang 46 naÂhuli sa gun ban ay 43 ang sibilyan habang tatlo naman ay mga empleyado ng gobyero sa Region 1 at Region V. Nasa 35 namang mga baril ang nakumpiska ng mga otoridad, 23 rito ay mga maiikling armas habang 12 ay mga matataas na kalibre ngbaril.
Nasamsam din sa operasyon ang anim na granada at 12 mga matatalas na patalim.