MANILA, Philippines - Nahaluan ng katataÂwanan ang naganap na turn over of command sa liderato ng Armed ForÂces of the Philippines (AFP) kung saan ay na-wow mali si outgoing AFP chief Jesse Dellosa nang tawagin nitong PaÂquito Diaz si Executive Secretary Pacquito Ochoa Jr. sa kabila na may handa itong speech.
Nagtawanan ang mga dignitaries sa stage sa Camp Aguinaldo kabiÂlang sina Pangulong BeÂnigno Aquino III at Executive Secretary PacÂquito Ochoa Jr.
Nang maramdaman ni Dellosa na mali ang kanÂyang nasabi ay biglang nasabi na lamang nito na “mali ataâ€.
Nagretiro na si Dellosa matapos na abutin nito ang mandatory retirement age na 56 at ang pumalit naman sa kanya ay si inÂcoÂming AFP chief Lt. Gen. Emmanuel Bautista na commanding general ng Philippine Army (PA).
Pinagkalooban naÂman ni Pangulong AquiÂno ng Legion of Honor award si Dellosa at umaÂasa na sa ilalim ng liÂdeÂrato ni Bautista ay laÂÂlong mananatili ang digÂniÂdad at dedikasyon sa pagÂsiÂsilbi sa taumbayan ang mga sundalo upang maÂÂkaÂÂmit ang minimithing kaÂpayapaan.