MANILA, Philippines - Kung hindi titigilan ang pulitika at papasok sa pagÂbabalik ng sesyon ng Senado sa Lunes ay posible anyang makaranas ng ikaÂlawang stroke si Senator MiÂriam Defensor-Santiago.
Ito ang ginawang babala ng kanyang mga doktor batay sa ipinadalang stateÂment ng tanggapan ni SanÂtiago.
Nabatid na dalawang doktor ang nagpayo sa senadora na huwag mag-report sa Senado sa Lunes at huwag na munang makinig ng mga balitang pulitikal.
Inihayag kamakalawa ng tanggapan ni Santiago na pumutok ang ugat sa kanang mata nito dahil sa taas ng blood pressure.
Umabot umano sa 184/Â100 ang blood pressure ni Santiago nang gumising ito noong Huwebes ng umaga.
Inihayag naman ni Dr. Rodolfo Chuanico, ophthalÂmologist ni Santiago na ang blood clot sa mata nito ay isang warning na kung tataas muli ang kanyang blood pressure ay posibleng magdulot ng stroke.
Ayon pa kay Chuanico, ang pagputok ng ugat sa mata ng senadora ay indikasyon na nagkaroon ito ng mild stroke matapos ang TV interview noong Huwebes pero suwerte lamang umano na ang stroke ay tumama sa mata at hindi sa utak ng senadora.
Matatandaan na naÂging matindi ang palitan ng mga maaanghang na saÂÂlita sa pagitan nina SeÂnate President Juan Ponce Enrile at Santiago at maging ni Senator Panfilo Lacson nang kuwestiyunin ng senadora ang pamamahagi ng karagdagang MOOE o maintenance and other operating expenses ng lider ng Senado.
Ipinaalala umano ni Dr. Esperanza Cabral, dating director ng Heart Center kay Santiago ang medical history ng pamilya nito kung saan dalawang nakabaÂbatang kapatid na lalake ng senadora ay magkahiwalay na namatay sa heart attack habang sila ay natutulog.